start your own blog now!
 
Read other blogs...

Blessed be

Once an aspiring writer, always will aspire to write...

Ako Ito

Blogger:
Name: Ginger Miel
full-time lao po wanna-be

Contact me
My profile
Linkme
Subscribe to this blog

Ano sa Palagay Mo?

Mo'nonymous on Reminiscence

Bilang ng mga Tagapagtangkilik

visited *loading* times

Read my VisualDNA Get your own VisualDNA™
Thursday, 22 May 2008
Session Road

I feel like singng their song...

posted by: Hunny2DB at 05/22/08 01:13 | link | comments |
muni

Wednesday, 14 May 2008
Chape


Pagod... Kapoy... Tired...

posted by: Hunny2DB at 05/14/08 00:00 | link | comments |

Thursday, 08 May 2008
Realisasyon

Napagtanto ko na mula ng dumating ako dito sa Singapore, halos dalawang taon na ang nakakaraan, (Grabe! ang bilis talaga ng panahon) walang linggo na hindi ako lumalabas para makipagdate. Makakalimutan ko ba ang unang araw ko dito nang nakipag-eyeball agad ako sa isang kachat mate ko. Tindi di ba? Kaya ngayon na "certified girlfriend" na ako, na ang ibig sabihin ay may regular akong kadate halos araw-araw, nakakapanibagong maramdaman ang maglakad at kumaing mag-isa sa labas. Walang dahilan para ako magmadali upang makarating sa lugar na aming tipanan ng aking nobyo. Walang dahilan para magpagabi sa daan o magpuyat sa kakachat. Ganito pala ang pakiramdam. Tunay ngang nakakapanibago. Pero sa kabilang banda, nakakaaliw isipin na malaya kang magagawa ang gusto mong gawin ng wala kang inaalalang iba. Lalo na't tatlong linggo kang walang nobyo sa tabi. At telepono lang ang inyong ugnayan. Kahit papano namiss ko ang ganung pakiramdam. Kakain ako kung saan ko gusto, uuwi ako kung kelan ko gusto at pupunta ako kung saan hilahin ako ng aking mga paa. Ano naman ang kaibahan nito nung halos nasa tabi ko na lang lagi si J? Malaki rin. Kasi wala kang ka-diskusyon kung saan o ano ang susunod na gagawin mo, walang pagtatalo at asaran kung saan kakain, papasyal, o ano ang papanoorin. Walang ibang inaalala o kailangang hingan ng opinyon, o bigyan ng konsiderasyon. Pero isang linggo pa lang ang nakakalipas. At hindi naman talaga buong tatlong linggo mawawala sa piling ko ang aking mahal na nobyo. Sa katunayan, magkikita kami sa darating na Sabado. At siyempre sabik kami sa isa't-isa. Gaya nga ng sabi ko, nakakaaliw lang isipin na sa buong panahon na inilagi ko dito sa bansang ito, ngayon lang ako nakakaranas na mapag-isa. Aliw kasi ang pakiramdam na kung hindi ako natali sa relasyon, makakayanan ko pa rin.  Tutal sanay naman akong mag-isa e. Pero siyempre masarap na may kasama. May laging kaulayaw sa lungkot at ligaya. May kakulitan, may nagdudulot ng kilig at nag-aaruga sa iyo. Kaya kung ako ang tatanungin kung gusto ko bang bumalik sa pagiging miyembro (este Presidente) ng  Samahan ng Malalamig ang Pasko/Balentayms (SMP/SMB)?  Aba-aba naman hinintay ko ito ng buong buhay ko... por da rekord - 31 taon itu.  Hindi biro hindi ba? San ka pa? E di dun na sa magbibigay ng karagdagang saya sa buhay mo. Kahit pa mahirap kung minsan dahil kailangang unahin ang kapakanan ng iyong mahal bago ang sa iyo. Alam ko sa puso ko na ito ang gusto ko, ito ang tadhana ko - ang patuloy na mabuhay at isakatuparan ang nilalayon ng Panginoon para sakin na may katuwang. Sarap lang isipin, di ba? May nagpapainit na sa iyong malalamig na gabi. Wu he he he... Sa ngayon, wala na akong mahihiling pa... muna...

posted by: Hunny2DB at 05/08/08 23:59 | link | comments |