start your own blog now!
 
Read other blogs...

Blessed be

Once an aspiring writer, always will aspire to write...

Ako Ito

Blogger:
Name: Ginger Miel
full-time lao po wanna-be

Contact me
My profile
Linkme
Subscribe to this blog

Ano sa Palagay Mo?

Mo'nonymous on Reminiscence

Bilang ng mga Tagapagtangkilik

visited *loading* times

Read my VisualDNA Get your own VisualDNA™
Thursday, 13 March 2008
Poblemang Puso

Unang usapang pusong sawi over dinner sa isang Indian Food joint - Mr. Prata at Clementi with one of my homies. In fairness masarap ang murtaba at briyani nila ha! Yummy! Nagustuhan din ng friend ko dun, kasi naman mula ng magkabf siya ng Indian, e nahilig na rin siya sa pagkaing Indian. Pero nagulat ako nung sinabi niyang... finally, binreak na niya ang balahura at mahaderong boypren niyang bumbay. Kainis! Ako pa naman ang nagpakilala sa kanila kasi akala ko mabait ang bumbay na yun! Gwapo at matalino pa naman, pero hindi ginagamit ang kukote! Grrrrr! Masyadong maalam to the point na feeling niya siya na lang ang laging tama! Naku! Mga lalaki talaga, kahit anong lahi, pareho-pareho pa rin! Double standard everrrr! At sorry, I could say the same for my l'amour. Sad but true. hay hay

Isa na namang usapang pusong sawi over chat. Isang friend ko na nagkaroon ng relasyon ng halos pitong taon sa isang hiwalay sa asawa. Pero awa ng Diyos e nagkabalikan ang lalaki at ang asawa nito, so itsa puwera na ang friend ko. Problema talaga kasi hindi pa makamove-on ang aking friend. Seven years din yun ha! Mantakin mong haba ng panahon ng kalokohan?! Pero kasi, alam naman ng friend ko ang sitwasyon bago pa man siya sumabak sa relasyon. Hay naku, talo pa rin ang mga babae kapag ganito ang laban. Hindi pa nagsisimula ang giyera, casualty ka na. Handang maghintay daw ang friend ko na ito. Maghintay na mabiyudo ag babaerong hitad?! Grrrr!

Sa unang sitwasyon, masaya ako kasi natauhan na ang friend ko. She knew even before what she needed to do and I'm glad that she finally had the guts to do it. To do what is right for her, to do God's ways and not hers. At least not anymore. And now, God can finally say to her that:" At last, I'd be able to give you what I've been meaning to give you all along - the one which is best for you."

Sa pangalawang sitwasyon, kelangan pa ng matinding gulpi de gulat para magising na sa katotohanan ang second friend ko. Para marealize niya na she's worth more than being a mistress. That God doesn't want her to be second best because He also wants what's best for her.  And all He's waiting for, is for her to let go... let go of the rubbish relationship that she's holding on to... let go of the unnecessary aches and pains brought about my an undeserving man. I hope that there is still time for her to realize that she needs to love herself more than anyone else, a love that comes along with self-respect. I hope and pray...

Ano ba naman kasi ang naging kasalanan ng mga kaibigan kong ito? E tulad ko dati, nagmahal lang naman sila ah. Problema lang, mali kasi ang mga minahal namin e, kaya tuloy ang kinalabasan namin - mga mukhang tanga sa sobrang pagmamahal. Maling-mali talaga. Pero hindi pa naman huli ang lahat para gawing tama ito. At matuto sa nasabing pagkakamali para hindi na maulit pa. Ganun lang naman yun kasimple. Wala naman kasing perpekto, lahat nagkakamali. Pero ang maganda kay Lord, may pag-asang ituwid ang pagkakamali at magsimula ng panibago. New life in Christ means New and Wonderful beginnings because He alone knows what's best for us. So san ka pa?

posted by: Hunny2DB at 03/13/08 10:57 | link | comments |
muni, friendly advice

Tuesday, 11 March 2008
Apa Kabar?

Napagtanto ko na matagal ng panahong di ako  nakakapagmuni-muni. Ang dami na namang nangyari na magaganda, masalimuot, masaya, nakakapagpala, nakakayamot at nakakapanghina ng loob. Kagabi, napagdesisyunan ko na kailangan ko uling magsulat. Kahit maikli lang... araw-araw, para lang mabawasan ang laman ng utak ko bago pa ito sumabog dahil lang sa napuno na ng basura at kung ano-ano pa. Nakakapagod ang trabaho, higit sa pisikal na pagkahapo ay ang pagkapagal ng utak - mental stress itu.  Pero sa awa ng Diyos, kaya pa... kinakaya pa. Katatapos lang ng training sa Batam - isang linggo din ako dun na naliligo ng malamig na tubig at kumakain ng iba't-ibang uri ng sili mula almusal hanggang hapunan. Mabuti na lang madaling pakisamahan ang mga kaopisina ko kahit mga Indonesian sila. Nalaman ko na hindi nalalayo ang kultura nila sa ating mga Pinoy kaya naging maayos ang pakikitungo namin sa isa't-isa.

Isang nakakatawang pangyayari:

* Habang kumakain kami ni J sa isang lugawan kung saan naaburido siya dahil madaming tinik ang lugaw na may isda na kinakain niya, biglang sa may likuran ko ay may nagsalitang babae na ang tono ay may halong pagtataka: " Bakit nila tsina-chopsticks ang lugaw?" Napangiti na lang ako habang tinatanong ko rin sa aking sarili kung bakit nga ba ako naka-chopsticks din? Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang babaeng nagtatanong o ibababa ko ang chopsticks na hawak ko. Kung sinagot ko siya, maaring ang sasabihin ko ay ganito: "Naku gurl, kelangan mong manirahan dito ng sapat na panahon para malaman mo kung bakit may chopsticks sa lugaw nila." Pero ibinaba ko na lang ang chopsticks ko at sinubukang gamitin na lang ang kutsara. Hmmm, oo nga naman, ano ba silbi ng chopsticks sa lugaw? wa he he he...

Isang magandang balita:

* Isang teks ang natanggap ko mula sa PIlipinas habang ako ay nasa Batam. Aba! At ang kumareng Lanny ko ay nagdadalang-tao na! Sa wakas! Salamat sa Diyos. Sobrang natuwa ako sa balita pero hindi ako nakasagot dahil sobrang mahal ng teks mula Indonesia kasi nakaroaming pa ako. Maligayag bati sa inyo ni Lolo Bhong, Mare! Ninang na naman ako, yeheeey!

posted by: Hunny2DB at 03/11/08 09:16 | link | comments |
tamang senti, roadtrip, food trip, worklife