start your own blog now!
 
Read other blogs...

Blessed be

Once an aspiring writer, always will aspire to write...

Ako Ito

Blogger:
Name: Ginger Miel
full-time lao po wanna-be

Contact me
My profile
Linkme
Subscribe to this blog

Ano sa Palagay Mo?

Mo'nonymous on Reminiscence

Bilang ng mga Tagapagtangkilik

visited *loading* times

Read my VisualDNA Get your own VisualDNA™
Friday, 23 November 2007
The Promise

God is faithful and true.

posted by: Hunny2DB at 11/23/07 22:40 | link | comments |
spread the word, blessings, divine inspiration

Tuesday, 20 November 2007
Blessed be

Indeed!!!

posted by: Hunny2DB at 11/20/07 22:13 | link | comments |
thanksgiving, blessings, pers taym

Friday, 16 November 2007
Sana naging tindera na lang ako

Unang araw ko sa ibang shop kung saan ako ang tatao bilang dakilang tindera, may naintriga na agad sa akin at nagmagandang loob na bumili  ng hapunan ko. E may baon ako... Lumipas ang dalawang araw, may nakipag-kaibigan na sakin na isang "anap". Nag-alok ng mainit na inumin dahil nahalatang  malamig sa puwesto ko.  Tumanggi ako nung una. Nung sumunod na araw, nagpakilala na siya at nagbigay na ng tsaa. Masarap ang tsaa - hindi kaya may gayuma ito? hmmm... Sinabi ko ito kay J at yun din ang kanyang hinala. Siyempre hindi niya ito ikinatuwa. Awa ng Diyos, normal pa naman ako. Nang sumunod  na linggo inalok  naman niya ako ng chips at nakikipag huntahan na siya sa akin sa tuwing  magpupunta siya ng banyo. Kahit sinabihan nako ni J na umiwas na, e nakikipagkaibigan lang naman ang tao e.Hay hay pano ba naman ako tatanggi sa libre? Blessing of all blessings, may nakipag-kaibigan din sa aking babae sa katabing tindahan ko. Nagmagandang loob din siya at inalok ako ng milo. Ako lang pala ang walang thermos sa lugar namin. Salamat sa Diyos at may anghel na nag-aalok sa akin ngayon ng hindi lamang mainit na tubig kundi milo, tuwing weekdays. At kanina naman, yung bantay na instik sa katapat kong tindahan, ay biglang nagtanong kung ako daw ba ay single pa. Tinanong ko kung bakit niya tinatanong. Wala lang daw. Kaya sinagot ko siya na technically single pako "but  I'm seeing someone". Nung tinanong  ko siya ulit kung bakit. Eto ang sagot niya: "If you were single, I would have dated you". Naku! Kaya pala kahapon pinapahiram niya ako ng jacket niya kasi nga nanginginig nako sa lamig. Kala ko dyok-dyok lang yun. Tamang tanggi naman ako. May kahulugan pala iyon? Nakakaloka! Hindi ko tuloy alam kung likas na mababait ang mga tao sa paligid ng tindahan ko o  ginu-good time lang ako ng  mga ito.  Tsk, tsk. Kung alam ko lang na mas bebenta pa ako kesa sa mga tinda ko....sana noon pa man, naging tindera na lang ako... hay hay.

posted by: Hunny2DB at 11/16/07 01:25 | link | comments |
tamang emote, pers taym