Acel ng moonstar 88
Ate Shawie
Avatar
BobOng Books
Boundless
Exgroupie
Gimiks Galore
Ginger on Multiply!
Ginger's Space
I GOT A HOBBY!
Joacs
JRobbins
Kinetic Virtue
Masaya ka ba?
Mojofly
My Forum
Nuki's Uchi!
Pretty Rhea
Ria
Shugabu
The Hunger Site
today
August 2008
July 2008
June 2008
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
October 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
February 2006
January 2006
December 2005
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005
July 2005
June 2005
May 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
November 2004
October 2004
September 2004
August 2004
accident
aliw
bad trip
berks
blessings
celebration
chismis
death
divine inspiration
food trip
friendly advice
gimik
kalandutayan
kilig
labslayp
muni
my lao gong
my mahal
paranoia
pers taym
ranting
roadtrip
spread the word
tamang emote
tamang senti
thanksgiving
uni life
worklife
visited *loading* times
Rainy day. Stayed at the hostel the whole day.
Had a short chat with "mahal" at around 5am. Yeah, I actually miss "her". And good news is, "she" is planning to come here in September as "her" birthday gift for "herself". Not a bad idea...
Interesting class discussion about The Information Society. I even had the chance to recite in class but I was taken aback by my sudden excitement. I started palpitating and I knew that I would surely stammer once I open my mouth to speak. So I opted to keep silent. Bummer. Next time... Nevertheless, I had a light bulb moment and I think I actually have a topic for this particular class... something close to my heart... The dimension of information society with the booming of business outsourcing/contact centers in the Philippines for the last ten years. O de va? Ang joray! Talk about my field of expertise! I wonder if there are enough references for this though. Probably from newspapers and magazines back home... hmmm. that's quite tough... Anyway, God will make a way.
Went to a hawker's place ( foodcourt that's pretty cheap and has a lot of variety, usually open until the wee hours of the morning) near our Uni after class with chinese classmates, one girl and two guys. In fairness, I felt quite comfortable with them and they seem to be interested somehow about the Philippines.
Had a disturbing chat with J, about him and his ex who just made an indecent proposal to him. I was a bit annoyed that i stopped talking to him altogether. Selos? NOT! Basta.
Tinamaan na yata ako... Palagay ko ako na naman ang talo sa huli . Ako na naman ang praning, ang mukhang atat at isang malaking kiyeme. Hindi alam kung ano talaga ang gusto. Hindi alam kung kayang gawin ang matagal ng gustong gawin. Kapag may pagkakataon pala, kapag nasa harapan mo na, kahit sa mga sandaling iyon iniisip mong iyon ang maaaring tanging pinaka-aasam mo, kahit masarap sa pakiramdam, pero alam mong hindi tama para sa iyo, aayaw at aayaw ka pa rin. At kung susuwertihin ka pa, tadhana na ang gagawa ng hakbang para maudlot, magka-aberya at maaring tuluyan ng hindi magkaroon ng katuparan ang isang pangyayaring malamang maging sanhi pa ng iyong kapahamakan. Na alam mong pagsisisihan mo sa bandang huli. Kaya? Maaaring oo, maaaring hindi. Ang tanong kasi, handa na ba akong talaga? Ito ba talaga ang gusto ko? Ito ba ang sa tingin ko ay tama para sa akin? Gusto ko ba talagang mangyari ito sa aming dalawa? Sigurado ba ako sa kanya? Sigurado ba siya sa akin? Pero bakit sa iba, ang dali-dali lang? Bakit parang ang hirap para sa akin? Bakit sarili ko mismo ang kalaban ko? Dapat alam ko na ginagawa ko di ba? Pero bakit parang wala pa rin akong muwang sa mga bagay na ito? Responsable na ba akong matatawag? Handa ba kaming harapin pareho kung ano man ang magiging kahihinatnan nito? Pagkatapos nito, ano na? Ibayong pagmamahalan ba ang iiral o mas matinding takot at pagkapraning, at matinding pagsisisi sa bandang huli? Lagi naman ganun e. Kaya siguro mas mabuti na lang na hangga't maaga pa, magkaalaman na ng mga limitasyon. Nakumpromiso na ngako e. Hangga't maaga ay malaman na ang tunay na hangarin. Handa ba siyang maghintay? Kaya ba niya? Kaya ko ba? Pagkatapos ng seryosong usapan ngayong gabi, maaasahan ko pa kayang andiyan pa rin siya kinabukasan? Ano ang garantiya? Mabuti na lang bang huwag ng umasa pa? Hayaan na lang ang panahon ang magsabi at hintayin na mawala na lang siyang parang bula? O kahit papaano ay umasang tunay ngang maninindigan siya sa kanyang salita kahit siya mismo ay may alinlangan? May pagmamahalan ba talaga sa bawat isa? Kulang e... Kulang na kulang. Malaki ang kulang. Mahalagang bahagi ang wala. Pero may pag-asa pa. Sana... Mahal ko na siya e. Walang halong kiyeme. Sabi niya mahal din niya ako. Pero bakit parang hindi tumatagos sa puso ko ang mga katagang iyon kapag binabanggit niya sakin ng harapan? Bakit hindi ko maramdaman? Naging manhid na ba ang puso ko dahil sa mga kasinungalingang narinig nito sa nakaraang pag-ibig (sa ibang kahulugan: katangahan)? Sobrang natatakot ako sa maaring mangyari... maging kami pa rin o hindi na. Lalabas na ako pa rin ang talo kahit saang anggulo ko pa tingnan. Ako ang babae e, ang syang madalas na napagsasamantalahan ang pagkatao. Pero hindi ko rin naman masasabing wagi siya sa bandang huli. Ewan. Basta, maayos kaming nagpaalam sa isa't-isa kahit wala ang pangako na magkikitang muli. Hihintayin ko na lang. Tutal, hindi naman siya ang nararamdaman kong DAWAN (tanging pag-ibig). Pero hindi ko rin maiwasang isipin at hilingin na sana siya na nga. Ang una at huli, kung magkakataon. Yun din naman sana ang gusto niya e. O umiiral lang ang makamundong pagnanasa kaya niya nasabi yun? Madalas kasi ay sinasabi niya mismo kung ano ang gusto kong marinig sa kanya. Nakakadismaya na kung minsan. At nakakapanghinayang din. Medyo malayo na rin ang aming narating. Ni hindi man lang sumagi sa isipan kong magkakatotoong lahat ang mga sinabi niya sa akin noon. Sino ang mag-aakala na magkikita talaga kami at tuluyang mahulog sa isa't-isa? Hindi ko ginusto ito. Nangyari na lang. May nasaktan na nga ako sa proseso e. Makakarma na naman yata ako. Hirap talagang magmahal. Pero masarap... masalimuot at masakit... pero sa bandang huli, sana masabi ko sa sarili ko na sulit ang lahat ng ito: ang bawat bagong karanasan, ang bawat tuwa, saya, lungkot, at sakit. Dapat lang di ba? Kasi nagmahal ako ng tunay.
Mainit...
Masarap...
Nakakapaso.
Para akong gamu-gamo,
Naaakit ng mapanglinlang na liwanag
Nahahalina sa nakadadarang na init
Pero heto pa rin ako
Lumalapit.... papalapit ng papalapit...
Alam ko ang kapalaran ng gamo-gamong mapusok...
Ano kaya ang kapalaran ko?