Acel ng moonstar 88
Ate Shawie
Avatar
BobOng Books
Boundless
Exgroupie
Gimiks Galore
Ginger on Multiply!
Ginger's Space
I GOT A HOBBY!
Joacs
JRobbins
Kinetic Virtue
Masaya ka ba?
Mojofly
My Forum
Nuki's Uchi!
Pretty Rhea
Ria
Shugabu
The Hunger Site
today
August 2008
July 2008
June 2008
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
October 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
February 2006
January 2006
December 2005
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005
July 2005
June 2005
May 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
November 2004
October 2004
September 2004
August 2004
accident
aliw
bad trip
berks
blessings
celebration
chismis
death
divine inspiration
food trip
friendly advice
gimik
kalandutayan
kilig
labslayp
muni
my lao gong
my mahal
paranoia
pers taym
ranting
roadtrip
spread the word
tamang emote
tamang senti
thanksgiving
uni life
worklife
visited *loading* times
It's time for some adventure. You won't want to go alone, however, so get busy luring someone into being your partner in crime. No matter who you choose, it won't take long to convince them.
The stars have appointed you today's Social Director. You know exactly what to do.
You're restless, and quite eager to jump right out of your rut -- for the moment, at least. You'll have absolutely no problem finding someone to go with you, and with your encouragement, they'll have no problem talking their way into a few days (or a lot of days) off. So don't hesitate to ask them along for the ride. You know how you are. You hate to do anything alone -- and when you're off for an adventure, that goes double.
Korak! Sobrang swak ito ha! Sa katunayan, nung isang Biyernes pa ako kating-kating ( the term?!) lumabas para monood ng banda - yung ripes tomatoes sana... e may problema sa bahay. Mantakin ba namang sabay pang naospital ang mga magulang ko! Salamat sa Diyos at hindi naman seryoso ang kalagayan nila. At naabutan ko pa sa radyo ang live coverage ng nasabing music fest - nakakalungkot malamang inulan pala ito kaya bigla na lang nag-sign off.
Kaya ngayong gabi, matutuloy na ang adbentyur ko at may kasama na ako!!! Ang aking kachuvahan magpakailanman! Yahooo!!! Kita-kits na lang mamaya sa the Fort Strip para sa first ever Jam Music Fest!
Halos 25 na banda ang tutugtog! Astig!
Todo nato! Bukas naman ako ang magho-host ng pananghalian para sa reunion ng mga ka-tropa ko sa law skewl... Hay hay, buti pa ang dalawa sa mga kaklase ko, naghahanda na sa pagrereview para sa bar exams ngayong Sept. Siyempre all out support kami - ibabar ops namin sila. Kami ang nakatoka sa kanilang food supply. Yung isa naman malapit na ring matapos sa MSU. Haay, parang kailan lang...pare-pareho kaming nagkukumahog sa pag-aaral, pagkabisa at pagdadasal na sana hindi kami matawag sa recitation lalo na sa StatCon at Persons.. mga terror na hinayupak na mga propesor na yun! Magagaling kasi kaya ang yayabang, bagay na bagay na maging mga abogado! hmp! Mabalik ako sa "reunion" namin... mapapasubo na naman ako sa kantahan (ehem) dahil ipinangako kong mag-mamagic sing kami hanggang sa oras na kailangan na naming umalis para sa the "C" show sa Araneta... Dapat mga alas-kuwatro pa lang ng hapon ay nakapila na kami kasi first come, first served. E alas-siyete pa ng gabi yung palabas, ayos na yun para hindi kami halatang atat (hmmm... hindi nga kaya?!)
Sayang ang mga napanalunan kong tickets kung hindi ko naman magagamit... Mental note: Kunin ang Premier Night Tickets na napanalunan ko (rin) sa Klite para sa pelikulang House of Wax..
Hindi na nga ako sasama sa puerto galera bukas e kasi wala nakong budget at mukhang nakakapagod yun. Pero may bahagi pa rin sa akin na gustong sumama, beach yun e atsaka mga buddies ko naman sana ang kasama ko dun... Mahirap tanggihan. Pero minsan kailangang magdesisyon ayon sa iyong priyoridad.
Sabi ko nga di ba, i'm such a social person.... di ako pwedeng iwanang mag-isa ng matagal lalo na ngayong me "bisita " na naman ako at madali akong toyoin... Salamat sa Diyos, napakabuti Niya.
Gus! Isang linggo na pala ang nakakaraan nang huli akong sumulat dito. Para na rin akong tulad ng mga idol kong bloggers, halos hindi na sumusulat sa mga blogs nila nitong mga huling araw... Lagi ko pa namang binibisita ang kanilang mga sites sa pag-asang may bago silang kuwento... pero ilang araw na akong bigo
... pare-pareho kaya kaming inaatake ng writing anxiety? Kanya-kanya naman kasi kami ng dahilan e, at kadalasan, katam lang talaga ang puno't dulo...
It's the time of the month, i guess... Parang namamanhid na naman ako... Di ko na naman alam kung ano ang dapat kong maramdaman maliban sa maging lethargic... Feel ko na naman awayin ang buong mundo at ramdam ko na naman ang pagka-imbierna ko sa sarili ko... ewan ko ba... kung kay mahal pa - isang salita lang ang katumbas ng lahat ng ito - GRUMPY ever na naman ako...
Maayos pa ang disposisyon ko noong lunes e... Nanalo pa nga ako sa radyo ulit, ng tickets naman para sa premier showing ng "House of Wax" - - yeba!
At ipinangako ko na ito kay R. bilang regalo sa kanyang kaarawan. Tutal hindi naman ako makakapanood at may meeting kami sa lunes kung kelan ipapalabas iyon.
Hindi na yata maganda ang nagiging epekto sa akin ng lagi napapag-isa. Kasi naman likas na sa akin ang pagiging "social person". Tulad ngayon, problema ko kung sino pwede kong kasama sa Jam Music Fest sa the Fort...maraming banda kasi ang tutugtog at libre pa! hay hay hay... kawawa naman ako... 
Bestpren ko na talaga ang radyo... ito na lang lagi ang kaulayaw ko e, mapabahay man o opisina, ang bait pa sa akin kasi nabibiyayaan ako ng mga premyo sa isang text ko lang! O di ba?! Hi-tech sa pagka-interactive... Kung tutuusin masarap itong kasama, medyo maingay nga lang kadalasan pero ayos naman kasi sobra itong nakakaaliw at nakakabawas ng tensiyon... Pero siyempre iba pa rin yung nakakausap mo talaga. Yun bang maaari kang makipagpalitan ng kuro-kuro at opinyon ( nyah! e nagagawa ko na rin yun sa radyo e).
Napapansin ko lang kasi, kapag matagal na panahon akong walang nakakausap at puro na lang pag-iisip at pakikinig ang ginagawa ko... malamang buong araw na akong ganon... ayaw ko ng paistorbo at madali na akong mairita kapag may magtangkang kumausap sa akin. Ngunit sa oras naman na mapasubo ako sa huntahan, tuloy-tuloy naman iyon. Parang sobrang sabik akong magkuwento at marinig ang sarili kong boses... ewan ko ba... Ngayon, problema ko pa ang cheering competition namin... halos hindi na ako makatulog sa kakaisip tungkol dun... hay hay hay... 
Tatlong oras na pagpupulong: mula 12:30 ng madaling araw hanggang 3:30... masalimuot pero masaya din naman... (mental note: bonding time kasama ang mga magagaling at maaasahan kong mga bisor) Nakanang-tutsi, pagkatapos ng masalimuot na kuwentong ibinunyag sakin ng isang bisor, siyempre agad kong binalak kausapin naman ang boss ko para sabihin ang masamang balita... drama-drama pa ang effect ko... nung sinabi ko... hindi naman daw problema yun... haaay... nakahinga ako ng maluwag... ang sa akin kasi... kung ang bosing ko nga e hindi namomroblema, ako pa kaya? he he he...
Masaya ako para kay B. kasi kahit papano, hindi na siya masyadong apektado sa "kuwento". Pero hindi ko naman masabi sa kanya na binabalak na siyang kausapin ng taong maysala para magpaliwanag at humingi ng tawad sa kanya. Natuwa nga ako kasi nag-IM siya sa akin para makipagliwanagan na rin... E di binigyan ko na lang siya ng payo na dapat magpakababang-loob siya at harapin na ang ultimate lola para matapos na ang hidwaan. Alam naman niya na malaki ang pagkakamali niya e, aminado siya. Kaya sabi ko, huwag na siyang mag-atubiling makipagkita sa lola at yayain niyang kumain sa labas ito. At dahil nagpapapayat ang lola, dapat dalhin niya ito sa isang healthy diner... E matalino ang hitad! Yayayain pa daw niya itong manood ng Ashanti concert sa May 26 - VIP pass! Huwaw! Nung tinanong niya ako kung sa palagay ko ba'y papayag si B.,syempre ang sagot ko: Hindi papayag ang lola kapag hindi ako kasama... har har har.. E di napilitan ang mokong na isama ako... wu he he he.. Pero mukhang conflict ito sa klase ko... hay hay hay.. . paano na yun? Basta! Bahala na... Hanggang ngayon, sikreto pa rin namin yun. Ayoko naman kasing sakin pa manggaling iyon... Dapat malalaman ni B. iyon sa kanya kapag nag-usap na sila...
Kaya abangan ang susunod na kabanata...
Nakipagpulong na naman ako ngayon-ngayon lang sa bosing ko... lingguhang pagpupulong ito... parang karugtong lang ng kagabing pinag-usapan namin... pero mas natuon ngayon sa pagpapataas ng suweldo ng mga tao ko... Kasi naman, ang tagal na rin naman iyon... parang ito na ang tamang oras para bigyang katarungan ang paghihirap nila di ba? Sana nga lang maaprubahan agad. Iyon na lang ang hinihintay kong konsuwelo para sa kanila e. Kaya lumabas ako ng opisina ni bosing na may ngiti sa labi at puno ng pag-asa... 
Sa Biyernes, umpisa na ng kauna-unahang company sportsfest namin... ewan ko ba kung paano ako napasali sa listahan ng mga bowlers! naks! Hindi man lang ako nanginig... lakasan lang iyan ng loob! har har har
O di ba, simple lang ang buhay... bakit kailangan pa minsang gawing komplikado? Mas mapapagod lang ang pisikal, emosyonal at intelektwal na bahagi ng iyong pagkatao....