Acel ng moonstar 88
Ate Shawie
Avatar
BobOng Books
Boundless
Exgroupie
Gimiks Galore
Ginger on Multiply!
Ginger's Space
I GOT A HOBBY!
Joacs
JRobbins
Kinetic Virtue
Masaya ka ba?
Mojofly
My Forum
Nuki's Uchi!
Pretty Rhea
Ria
Shugabu
The Hunger Site
today
August 2008
July 2008
June 2008
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
October 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
February 2006
January 2006
December 2005
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005
July 2005
June 2005
May 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
November 2004
October 2004
September 2004
August 2004
accident
aliw
bad trip
berks
blessings
celebration
chismis
death
divine inspiration
food trip
friendly advice
gimik
kalandutayan
kilig
labslayp
muni
my lao gong
my mahal
paranoia
pers taym
ranting
roadtrip
spread the word
tamang emote
tamang senti
thanksgiving
uni life
worklife
visited *loading* times
Hango sa SMS na pinadala sakin ng utol ko :
5 Things about le moi (in no particular order):
1. Proper
2. Loving
3. Strict
4. Friendly
Proper?! anu un? Strict? Titser ito?! Sabi ng utol ko, positibong deskripsiyon daw ang "proper" samantalang ang pagiging strikto ko ay dahil kung ano ang gusto kong mangyari halimbawa sa isang bagay, dapat ay ganon nga ang kalalabasan... hmmmm... siguro mas gugustuhin ko pang bansagan akong OC kesa strikto... pero sa isang banda tama siya.. kasi kapag hindi nasusunod ang gusto ko, tsaka nagkakaroon ng giyera... siguro tama lang iyon... pero.. pangit pa ring pakinggan e! hay hay hay..
> sarap ng 20-minute express massage in bed sa urban spa, at ng hot tea na nilagyan lang ng yelo pagkatapos ng masahe...
> hah! opisyal na estudyante nako ng Trumpets Playshoppe para sa street dancing na magsisimula sa Martes! todo nato!!! 
Hango sa MSN messenger: D says: buddy, ikaw ba yan? anu't may nalalaman ka pang motel ha? hilahin ko singit mo eh Blessed be says: ha ha ha...
Blessed be says: naeskandalo ka na ba?
Blessed be says: ikaw pa?!
D says: medyo... yech
D says: di lang ako sa yo buddy... lam mu naman na ikaw na lang ang kilala kong virgin na buhay pa...ahihi
Blessed be says: buddy.. ikaw lang naman ang nasasabihan ko no.... tsaka.. si b... tsaka si buddy j....
D says: di lang ako SANAY sa yo buddy ng ganun
Blessed be says: tsaka... ay ang dami niyo pala...
D says: hahaha
D says: pansin ko nga, isang buong brgy na din yun
Blessed be says:obvious ba na gusto ko ng magretire
Blessed be says: sa pagkavirgin?!
D says:sa pagiging virgin?
Blessed be says: bwa ha ha ha!
D says:HAHAHA!
D says:sabay pa tayo
D says:sige, ilipat mo na ang korona sa kin
Blessed be says: asus!
Blessed be says: ano ka abstinence?
Blessed be says: nya ha ha ha
Blessed be says: tsaka buddy... si buddy j talaga ang orig na virgin no!
Blessed be says: di po ako...
D says: pareho kayo...
D says: fossil
D says:alamat
D says:urban legend
Blessed be says:tse!
D says:=p
Blessed be says:u just wait! hah!
D says: i've been waiting buddy... hehehe! sana nga dumating na sya...
Nitong mga huling araw, napapansin ko ang pagiging palabiro kong may pagka-bulgar pero hindi naman sa lahat ng tao... sa mga ilang malalapit na kaibigan ko lang... mga bading pa kamo... ito na nga ang sinasabi ko e... masyado na yata nila akong naiimpluwensiyahan.. Ang nakakatawa kapag sakin nanggagaling ang mga balahurang hirit e kulang na lang ay mag-krus sila at umusal ng susmaryosep sa pagkakagulat?! Tama ba naman yun? Masyado daw silang naninibago sakin... dahil nga naman hindi nila ako nariringgan ng mga ganoong hirit. O e ano? Lahat naman ng tao nagbabago! Ako nga lang.. paurong ata... bunga kaya ito ng raging hormones?! este hormonal imbalance pala... malamang... sana nga yun lang... Tuloy napapaisip ako... ganun pala yata talaga ang pagkakakilala sakin ng mga kaibigan ko... sobrang inosente, na naive na kapita-pitagan na ewan... kaya pala maingat sila sa pagkukuwento kapag ako ang kausap dahil ayaw nila akong maeskandalo ng husto... Nakakatuwa na nakakainis kasi para bang... nakakahon na ako sa isip nila... halos ang buong pagkatao ko... parang alam na alam nila kung sino ako... kung ano ako... Ako nga, nahihirapang tukuyin sa sarili ko ang tunay na ako... sila pa? Di ko naman masasabing tuwirang panghuhusga ang ginagawa nila pero siguro nga base lang ito sa nakikita nila sa akin.. sa paraan ng pakikisalamuha ko sa kanila... Sa totoo lang hindi ko naman nakikita ang sarili ko na isang mayuming dalagang pilipina... pero inaamin kong kadalasan ay naaapektuhan ako ng mga kuwentong walang modo... kaya nga ayoko talagang pinapadalhan ako ng mga text at email na bastos e... nakakawalang gana... arte ko no? E yon talaga ang prinsipyo ko e... Kung ayaw mong mapuno ng polusyon ang utak mo, e di huwag mong hayaang malagyan ito... Matindi na nga ang pakikipaglaban ko sa isang kahinaan ko e... araw-araw... dito ako inaatake ng kaaway, at nitong nakaraang araw, sobrang talo ako... sobrang hina ko... Alam ko di ko dapat labanan ito, di ko naman kaya e, lalo pa't mag-isa lang ako... kailangan ko itong isuko... ginagawa ko naman, pero binabalikan pa rin ako... bakit ganun? Oo nga tao lang tayo, pero alam ko may lunas pa ito. Sana nga lang malunasan na ito agad, as in NOW na! Ayokong dalhin ito buong buhay koh! Aaargh! Bottom line... pagbabago lang ang siyang permanente sa mundog ito, so don't judge me because I'm not a book and you're not a judge, and even if you are... kebs ko.
Sa unang pagkakataon, dumating ako sa usapan isang minuto bago ang takdang oras! Hah! Ang nagagawa nga naman ng paglalakwatsa... Masarap talaga ang pakiramdam ng kahit minsan sa tanang buhay mo e dumarating ka sa tamang oras... Pero di ko pa rin ipagpapalit ang kakaibang thrill na nararamdaman ko sa tuwing nakikipagtuos ako sa orasan. Wala lang...
Sa istasyon ng Victory Liner sa Cubao na kami nagkita-kita ng iba pang mga kasama namin (katipan niya at ang ina nito) matapos kong sunduin sa opisina si chuva. Tamang-tama apat kami, siyempre kami ni chuva ang magkatabi... halos walang katapusang kuwentuhan at huntahan tungkol sa kung sino-sino ( si mahal, si mahal at si mahal, kahit na ang iniisip ko e si ex-b) at kung anu-anong bagay... Ang liwanag ng daan... kabilugan kasi ng buwan kaya ang gandang silayan ng kabuuang liwanag nito sa gabi ng Biyernes Santo... Kaya kinaiinis naming pareho ni chuva sa tuwing magbubukas ng ilaw ang konduktor para magbaba at magpa-akyat ng pasahero o sa tuwing may checkpoint na madaraanan.. hay hay hay... yun na na nga lang ang kaligayahan namin e... Hangga't sa hindi na namin namalayang nasa Alaminos na pala kami... Lahat kami ay parang mga hilong talilong naalimpungatan sa pagkakahimbing. Tulala kaming bumaba ng bus habang hinihintay naming bumalik ang aming mga ulirat. Malapit lang pala ang bahay nina Chuva - isang tricycle lang...
> Biyaheng Hundred Islands - ang aga ng gising namin... hinandaan kami ng hipon para sa almusal...kakaiba, tuwalya lang ang dala ng mga hitad samantalang dala ko ang buong bag ko... sobrang lapit lang pala ng bahay nina chuva sa pantalan papunta sa isa sa mga isandaang pulo. At sa Quezon island kami dinala ng bangkang aming lulan, kasama ng buong pamilya ni chuva...
- isang libo't-isang buntung-hininga sa kakaisip kay ex-b, letse! Bakit ba kasi siya na lang ang naiisip ko mula pa sa pagsakay sa bus hanggang sa nasa isla na kami -nangangarap ng gising na siya sana ang katabi ko sa bus para pwede akong humimlay sa kanyang mga bisig habang nahihimbing, habang siya naman ay halik lang ng halik sa noo ko (lola?!) o sige na nga, sa pisngi din...
, kasamang naglalakad sa may dalampasigan, naghahabulan sa may batuhan, nagpapagulong-gulong sa may buhanginan at kung susuwertihin ay mapapadpad sa liblib na bahagi ng isla para makapagsarilinan at.... hmmm....bahala na si batman... ito talagang imahinasyon ko... masyadong malikhain...
he he he... Kasi naman, napunta nga talaga kami sa lugar na kung saan walang ibang tao kundi kami lang... si chuva kasi napaka-adbenturerong nilalang....kunga saan-saan nagsusu-suot, pero masaya ha! Napapalundag ako sa kasabikan habang nagtatampisaw sa dagat. Sa sobrang katuwaan ko, tuluyan ko ng tinalikuran ang aking prinsipyong huwag lumangoy sa kasikatan ng araw dahil nga sa takot kong masunog ang aking balat na halos dalawang taon ko ng inaalagaan ng epektus... pero... wala rin... Sobrang kaiga-igaya ang pang-iimbita ng naglalabang kulay asul at berde ng dagat... kahit pa mabato ang malaking bahagi ng isla, hindi mo pa rin maiiwasang madala ng tuluyan... sayang ang pagkakataon... Basta masarap lumangoy at magbabad... he he he 
Hindi ko pinatawad ang cellphone ko, kahit malaki ang posibilidad na maihulog ko ito, sige lang... kuhaan lang ng konting souvenir... iilan na lang din kasi ang laman ng camera kong bulok... Napakainit ng Sabado de Gloria, at sa katanghaliang tapat ay madami pa ring dumadagsang bangka na dumadaong sa isla sakay ang mga bakasyonista, mga turista at karamihan dito ay magpapamilyang kasama ang mga maliliit na bata at magkakabarkada... nakakatuwa silang pagmasdan..
Ang sarap ng hinandang tanghalian ng mga magulang ni chuva - inihaw na malalaking bangus at liempo (siyempre walang appeal sa akin ito), adobong manok, inihaw na talong na may alamang at kamatis, at mangga! Huwaw! nakakaganang kumain talaga! Wala sana akong balak mag-kamay, kasi naisip kong mahirap maghugas sa isla, nahiya lang ako kina chuva.. kainis... oo na! maarte pala ako!
Napakaganda ng isla! Nakakapagod ang ginawa naming pag-akyat manaog sa mga trails pero sa tuwing nararating namin ang tuktok, nawawala ang hapo namin dahil sa makapigil hiningang tanawin! Refreshing, ika nga. Ang sarap langhapin ng sariwang hanging dagat...Kahit sobrang init, sige lang... At nagawa pa naming libutin ang kabuuan ng Quezon Island at tawirin ang dalawang kalapit isla nito.. kasi naman mababaw lang ang tubig at puro bato... ang saya-saya no? (sa tono ni ate glow)
> Biyaheng palengke at walang hintong kainan... *isang sandali ng kapraningan*
- pagbili ng kakanin, camachili at hipon
> Mga lapida sa probinsiya
> Biyaheng pauwi
- pagpaparamdam ni mahal